1 “Panginoong Makapangyarihan sa Lahat, Diyos ng Israel, kami po ay tumatawag sa inyo sa gitna ng aming pagdurusa.
2 Dinggin ninyo kami at kahabagan, O Panginoon, sapagkat nagkasala kami sa inyo.
3 Kayo po ang naghahari magpakailanman, samantalang kami'y namamatay at tuluyan nang naglalaho.
4 Panginoong Makapangyarihan sa lahat, Diyos ng Israel, dinggin ninyo ang aming panalangin. Kami po'y para nang mga patay. Nagkasala sa inyo ang aming mga ninuno nang sila'y hindi tumalima sa inyo, at kami ang nagdurusa dahil sa kanilang kasalanan.
5 Huwag na po ninyong alalahanin ngayon ang kasalanan ng aming mga ninuno, kundi ang inyong pangalan at kapangyarihan.
6 Sapagkat kayo lamang ang Panginoon naming Diyos, at kayo lamang ang lagi naming pupurihin.
7 Ipinunla ninyo sa aming mga puso ang takot sa inyo upang kami ay tumawag sa inyong pangalan. Sa aming pagkabihag, pupurihin namin kayo, sapagkat tinalikuran na namin ang mga pagkakasalang ginawa sa inyo ng aming mga ninuno.
8 Kami ngayon ay nasa gitna ng mga bansang pinagtapunan ninyo sa amin. Kinukutya at hinahamak nila kami. Pinaparusahan ninyo kami, Panginoon naming Diyos, dahil sa kasamaan ng aming mga ninuno na tumalikod sa inyo.”
9 Dinggin mo, Israel, ang mga kautusang nagbibigay-buhay;makinig ka at nang ikaw ay matuto.
10 Israel, bakit ka nasa lupain ng iyong mga kaaway?Bakit ka tumanda sa ibang lupain?Bakit itinakwil kang parang patay
11 at ibinilang na sa mga nasa Hades?
12 Nangyari ito sapagkat itinakwil mo ang bukal ng Karunungan.
13 Kung lumakad ka lang sa landas ng Diyos,sana'y namumuhay kang matiwasay sa habang panahon.
14 Hanapin mo ang bukal ng pang-unawa, lakas at kaalaman,at malalaman mo kung nasaan ang mahabang buhay,ang liwanag na sa iyo'y papatnubay, at ang kapayapaan.
15 May nakatuklas na ba kung saan nakatira ang Karunungan,o nakapasok sa kanyang taguan ng yaman?
16 Nasaan ngayon ang mga tagapamahala ng mga bansa,at namamahala sa mababangis na hayop?
17 Nasaan ang mga naglibang sa panghuhuli ng mga ibon?Nasaan ang mga nagtipon ng pilak at gintong pinagkatiwalaan ng tao,at kailanma'y di nasiyahan sa kanilang naimpok?
18 Nasaan ang mga nagsisikap magkamal ng salapingunit wala namang iniwang bakas ng kanilang pinagpaguran?
19 Pumanaw na silang lahat, lumipat na sila sa daigdig ng mga patay,at may pumalit na sa kanila.
20 May lumitaw ngang mga bagong lahi at nanirahan sa lupain.Nakita nga nila ang liwanag ng arawngunit hindi nila nakita ang daan ng kaalaman.Hindi rin nila natuklasan ang landas ng Karununganat hindi rin nila ito nakamtan.
21 Naligaw ring tulad nila ang kanilang mga anak.
22 Ang Karunungan ay hindi narinig ng mga Canaanita;hindi ito nakita ng mga taga-Teman.
23 Hindi rin ito natagpuan ng mga anak ni Hagarat ng mga mangangalakal ng Meran at Teman.Pawang nabigo rin ang mga nagkukuwento ng alamatat nagsasaliksik ng karunungan.
24 O Israel, anong laki ng sanlibutang pinaninirahan ng Diyos,at anong lawak ng kanyang nasasakupan.
25 Ito'y walang hangganan at di masusukat ang lapad at taas.
26 Noong unang panahon, isinilang ang mga higante,malalaki't malalakas at batikang mandirigma.
27 Ngunit hindi sila pinili ng Diyos,hindi itinuro sa kanila ang landas ng kaalaman.
28 Pumanaw sila dahil sa kawalan ng karunungan,nalipol sila dahil sa kanilang kamangmangan.
29 May nakaakyat na ba sa kalangitanat nakapagbaba ng Karunungan mula sa mga ulap?
30 Mayroon na bang nagtawid-dagatupang bumili ng Karunungan sa pamamagitan ng ginto?
31 Walang nakakaalam ng daan patungo sa kanya,o nakatuklas ng paraan ng paglapit sa kanya.
32 Ang Diyos na nakakaalam ng lahat ng bagayang tanging nakakakilala sa Karunungan.Nauunawaan din niya ito sa pamamagitan ng kanyang kaalaman.Siya ang lumikha at naglagay dito ng lahat ng uri ng mga hayop.
33 Nag-utos siya at lumitaw ang liwanag;nanginginig ito sa takot kapag siya'y tumatawag.
34 Tinawag din niya ang mga bituinat madali silang nagsitugon, “Narito kami.”Lumagay sila sa kani-kanilang lugar at masayang nagniningning para bigyang-lugod ang lumikha sa kanila.
35 Ito ang ating Diyos!Walang makakapantay sa kanya.
36 Alam niya ang daan ng Karunungan,at ito'y ipinagkaloob niya sa lingkod niyang si Jacob,kay Israel na kanyang minamahal.