2 noong ikapitong araw ng buwan, limang taon matapos sakupin at sunugin ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem.
3 Binasa ni Baruc ang aklat na ito kay Jehoiakin na anak ni Jehoiakim, hari ng Juda, sa harapan ng lahat ng dumating upang mapakinggan ang pagbasa niyon.
4 Kabilang sa mga ito ang mga maharlika, ang mga anak ng mga hari, ang matatandang pinuno at ang lahat ng uri ng Judiong naninirahan sa Babilonia, mayaman at mahirap, sa baybayin ng Ilog Sud.
5 Nang mabasa ang aklat, ang lahat ay nanangis, nag-ayuno at nanalangin sa Panginoon.
6 Nangolekta sila ng salapi at ang bawat isa'y nagkaloob ayon sa kanyang makakaya.
7 Ang nalikom ay ipinadala sa Jerusalem kay Jehoiakim, ang pinakapunong pari na anak ni Hilkias at apo ni Sallum, sa mga pari, gayundin sa lahat ng mga kasama niya sa Jerusalem.
8 Noong ikasampung araw ng ikatlong buwan, kinuha ni Baruc ang mga sisidlang pilak na sinamsam sa Templo at ipinabalik sa Juda. Ang mga sisidlang ito ay ang mga ipinagawa ni Zedekias na anak ni Haring Josias ng Juda,