5 Sa halip na ilagay sa mataas na kalagayan, kami'y ibinabâ sapagkat nagkasala kami laban sa Panginoon naming Diyos; hindi namin dininig ang kanyang tinig.
6 “Matuwid ang Panginoon naming Diyos, ngunit kami at ang aming mga ninuno ay sadlak pa rin sa kahihiyan hanggang ngayon.
7 Nangyari sa amin ang lahat ng kahirapang ibinabala ng Panginoon.
8 Gayunman, hindi pa rin kami nanumbalik sa kanya, ni tumigil sa aming kasamaan.
9-10 Binantayan kami ng matindi ng Panginoon. Ibinigay niya sa amin ang kanyang mga utos, ngunit hindi namin siya dininig. Hanggang sa inilapat na niya sa amin ang parusang ito sapagkat siya ay makatarungan.”
11 “Kayo po, Panginoon, ang Diyos ng Israel. Sa pamamagitan ng makapangyarihang mga gawa at kababalaghan ay inilabas ninyo kami sa Egipto. Ipinakita ninyo ang inyong lakas kaya't nakilala kayo ng mga bansa hanggang sa ngayon.
12 Nagkasala po kami, Panginoon naming Diyos. Nagtaksil kami sa inyo at nilabag namin ang lahat ng inyong mga utos.