33 Kung nagdiwang siya noong ika'y bumagsak at mawasak,ngayo'y mananangis naman siya sa daranasin niyang kapahamakan.
34 Pupuksain ko ang marami niyang tauhan na labis niyang ipinagmamayabang,ang pagmamalaki niya'y mauuwi sa panaghoy.
35 Ako ang Diyos na walang hanggan, pauulanan ko siya ng apoy.Masusunog siya sa loob ng maraming araw hanggang sa matupok nang tuluyan,at siya ay paninirahan ng mga demonyo sa loob ng mahabang panahon.
36 Jerusalem, tumingin ka sa silangan,at tingnan mo ang kagalakang dulot sa iyo ng Diyos.