3 Itatanyag ka niya sa lahat ng dako.
4 Tatawagin kang “Kapayapaang bunga ng katuwiranat Kaluwalhatiang bunga ng pagiging maka-Diyos.”
5 Jerusalem, tumayo ka at umakyat sa mataas na burol.Tumingin ka sa silangan at tanawin moang iyong mga anak na sa isang tawag lamang ng banal na Diyos ay natitipon mula sa silangan hanggang sa kanluran.Nagagalak sila sapagkat hindi sila kinalimutan ng Diyos.
6 Pilit silang inagaw sa iyo at kinaladkad palayo,ngunit ngayo'y ibinabalik sa iyona sakay sa kaluwalhatiang wari'y nakaupo sa maharlikang trono.
7 Iniutos ng Diyos na patagin ang matataas na bundok at walang hanggang burol,at tambakan ang mga libisupang panatag na makabalik ang bayang Israel na puspos ng kaluwalhatian ng Diyos.
8 Sa utos niya'y lilitaw ang maraming mababangong punongkahoyupang liliman ang Israel.
9 Aakayin sila ng Diyos, at babalik silang masayana pangangalagaan ng kanyang habag at katuwiran,at liligaya sa liwanag ng kanyang walang hanggang kaluwalhatian.