4 malakas na ipinahayag ng tagapagbalita, “Iniuutos sa lahat ng tao, mula sa lahat ng bansa at wika,
5 na lumuhod at sumamba sa rebultong ipinagawa ni Haring Nebucadnezar sa sandaling marinig ang tunog ng tambuli, plauta, lira, sitar, alpa, at iba pang instrumento.
6 Sinumang hindi sumunod sa utos na ito ay ihahagis agad sa naglalagablab na pugon.”
7 Nang marinig nga ng mga tao ang tunog ng mga instrumento, agad silang lumuhod at sumamba sa rebultong ginto na ipinagawa ni Haring Nebucadnezar.
8 Sinamantala ito ng ilang mga mamamayan ng Babilonia upang paratangan ang mga Judio.
9 Sinabi nila kay Haring Nebucadnezar, “Mabuhay ang mahal na hari!
10 Iniutos po ninyo na lumuhod at sumamba sa inyong rebultong ginto ang sinumang makarinig sa tugtog ng mga instrumento.