24 Kaya, ipinadala niya ang kamay na iyon at pinasulat sa dingding ng inyong palasyo.
25 “Ito ang nakasulat: Mene, Mene, Tekel, Parsin.
26 Ito naman ang kahulugan: ‘Mene,’ nabibilang na ang araw ng iyong paghahari sapagkat wawakasan na ito ng Diyos.
27 ‘Tekel,’ tinimbang ka at napatunayang kulang.
28 ‘Peres,’ ang kaharian mo ay mahahati at ibibigay sa Media at Persia.”
29 Iniutos ni Haring Belsazar na bihisan si Daniel ng damit na kulay ube at kuwintasan ng yari sa dalisay na ginto. Pagkatapos, ipinahayag niyang ito ang ikatlo sa kapangyarihan sa buong kaharian.
30 Nang gabi ring iyon, pinatay si Belsazar, ang hari ng Babilonia.