15 Patuloy silang nilabanan ni Yahweh hanggang malipol silang lahat.
16 “Nang wala na ngang natitira sa mga mandirigma ng lahing iyon,
17 sinabi sa akin ni Yahweh,
18 ‘Ngayon ay tumawid kayo sa Ar, sa hangganan ng Moab.
19 Pagdaan ninyo sa lupain ng mga anak ni Ammon, huwag ninyo silang guguluhin o didigmain sapagkat kapiraso man ng lupa nila'y hindi ko ibibigay sa inyo. Ibinigay ko na iyon sa mga anak ni Lot.’”(
20 Ang lupaing iyon ay dating sakop ng mga Refaim, na ang tawag ng mga Ammonita ay Zamzumim.
21 Marami rin sila at malalaking tulad ng mga higante. Ngunit pinuksa sila ni Yahweh; kaya't itinaboy sila ng mga Ammonita upang ang mga ito ang tumira roon.