1 “Pakinggan mo, langit, ang aking sasabihin,unawain mo, lupa, ang aking bibigkasin.
2 Pumatak nawang gaya ng ulan ang aking ituturo,ang salita ko nawa'y tulad ng hamog na namumuo;upang halama'y diligan at damo'y tumubo.
3 Sapagkat si Yahweh ay aking pupurihin,ang kanyang pangalan ay inyong dakilain.
4 “Si Yahweh ang inyong batong tanggulan,mga gawa niya'y walang kapintasan,mga pasya niya'y pawang makatarungan;siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.
5 Datapwat ang Israel sa kanya ay nagtaksil,di na karapat-dapat na mga anak ang turing,dahil sa pagkakasala nila at ugaling suwail.
6 O mga mangmang at hangal na tao,ganyan ba susuklian ang kabutihan sa inyo ni Yahweh na inyong ama at sa inyo'y lumikha,at nagtaguyod na kayo'y maging isang bansa?