10 “Sa isang disyerto sila'y kanyang natagpuan,sa isang lupang tigang at walang naninirahan.Doon sila'y kanyang pinatnubayan,binantayan at doo'y inalagaan.
11 Isang inahing agila, ang kanyang katulad,sila'y mga inakay na tinuruan niyang lumipad;upang ang Israel ay hindi bumagsak,sinasalo niya ng malalapad niyang pakpak.
12 Si Yahweh lamang ang sa kanila'y pumatnubay,walang diyos na banyaga ang sa kanila'y dumamay.
13 “Kanyang pinagtagumpay sila sa kaburulan,sila'y kumain ng mga ani sa kabukiran.Nakakuha sila ng pulot sa mga batuhan,nakahukay rin ng langis sa lupang tigang.
14 Kanilang mga baka't kambing ay sagana sa gatas;pinakamainam ang kanilang kawan, trigo, at katas ng ubas.
15 “Si Jacob na irog, tumaba't lumaki—katawa'y bumilog;ang Diyos na lumalang kanyang tinalikuran,at itinakwil ang batong tanggulan ng kanyang kaligtasan.
16 Pinanibugho nila si Yahweh dahil sa mga diyus-diyosan.Poot niya'y pinag-alab sa pagsambang kasuklam-suklam.