25 Sa mga lansanga'y magkakaroon ng mga patayan,sindak at takot naman sa mga tahanan;binata't dalaga'y kapwa pupuksain,maging pasusuhing sanggol at matatandang ubanin.
26 Naisip ko na sana'y sila ang lipulin,sa alaala ng madla sila ay pawiin.
27 Subalit ayaw kong mangyari na ang mga kaaway ay pahambog na magsabi:Kami ang lumupig sa kanila,ngunit akong si Yahweh ang talagang sa kanila'y nagparusa.’
28 “Sila'y isang bansang salat sa katuwiran,isang bayang wala ni pang-unawa man.
29 Kung sila'y matalino, naunawaan sana nila nangyaring pagkatalo.Kung bakit sila nagapi, sasabihin nila ito:
30 Paano matutugis ng isa ang sanlibo?O ang sampung libo ng dalawa katao?Sila'y pinabayaan ng kanilang batong tanggulanna sa kanila'y nagtakwil at nang-iwan.
31 Tunay ngang tanggulan nila'y hindi tulad ng sa atin;maging ating mga kaaway ito rin ang sasabihin.