39 “‘Alamin ninyong ako ang Diyos—Oo, ako lamang.Maliban sa akin ay wala nang iba pa.Ako'y pumapatay at nagbibigay-buhay,ako'y sumusugat at nagpapagaling din naman.Wala nang makakapigil, anuman ang aking gawin.
40 Isinusumpa ko ito sa harap ng kalangitan, habang ako'y nabubuhay,Diyos na walang hanggan.
41 Hahasain ko ang aking tabak na makinangupang igawad ang aking katarungan.Mga kaaway ko'y aking paghihigantihan,at sisingilin ko ang sa aki'y nasusuklam.
42 Sa aking mga palaso dugo nila'y dadanak,laman nila'y lalamunin nitong aking tabak;hindi ko igagalang sinumang lumaban,tiyak na mamamatay bilanggo ma't sugatan!’
43 “Mga bansa, bayan ni Yahweh'y inyong papurihan,mga pumapatay sa kanila'y kanyang pinaparusahan.Ang kanilang mga kaaway kanyang ginagantihan,at pinapatawad ang kasalanan ng kanyang bayan.”
44 Ito nga ang inawit nina Moises at Josue sa harapan ng mga Israelita.
45 Pagkatapos bigkasin ni Moises ang lahat ng ito sa harap ng buong bayan ng Israel,