8 Nang ipamahagi ng Kataas-taasang Diyos ang ipapamanang lupain,nang ang mga bansa'y kanyang hati-hatiin,mga hangganan nito'y kanyang itinakda ayon sa dami ng mga anak niya.
9 Pagkat ang lahi ni Jacob ay kanyang pinili,sila ang kanyang tagapagmanang lahi.
10 “Sa isang disyerto sila'y kanyang natagpuan,sa isang lupang tigang at walang naninirahan.Doon sila'y kanyang pinatnubayan,binantayan at doo'y inalagaan.
11 Isang inahing agila, ang kanyang katulad,sila'y mga inakay na tinuruan niyang lumipad;upang ang Israel ay hindi bumagsak,sinasalo niya ng malalapad niyang pakpak.
12 Si Yahweh lamang ang sa kanila'y pumatnubay,walang diyos na banyaga ang sa kanila'y dumamay.
13 “Kanyang pinagtagumpay sila sa kaburulan,sila'y kumain ng mga ani sa kabukiran.Nakakuha sila ng pulot sa mga batuhan,nakahukay rin ng langis sa lupang tigang.
14 Kanilang mga baka't kambing ay sagana sa gatas;pinakamainam ang kanilang kawan, trigo, at katas ng ubas.