12 Ngunit kapag natapos na ni Yahweh ang kanyang layunin sa Bundok Zion at sa Jerusalem, paparusahan niya ang hari ng Asiria dahil sa kanyang kayabangan, kataasan at kapalaluan.
13 Sapagkat ang sabi niya:“Nagawa ko iyan dahil sa taglay kong lakas at karunungan,inalis ko ang hangganan ng mga bansa,at sinamsam ko ang kanilang mga kayamanan;ibinagsak ko sa lupa ang mga nakaupo sa trono.
14 Kinamkam ko ang kayamanan ng mga bansa na parang nasa isang pugad.Tinipon ko ang buong lupatulad ng pagtipon sa mga itlog na iniwanan,wala man lamang pakpak na nagbalak lumipad,walang bibig na bumubuka o huning narinig.”
15 Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito?Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito?Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito?
16 Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma,at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan,parang sigang maglalagablab nang walang katapusan.
17 Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy,ang Banal na Diyos ay magniningas,at susunugin niya sa loob ng isang arawmaging ang mga tinik at dawag.
18 Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.