1 Ito ang sabi ni Yahweh:“Ang aking trono ay ang kalangitan,at ang daigdig ang aking tuntungan.Anong klaseng bahay ang gagawin mo para sa akin?Anong klaseng lugar ang aking titirhan?
2 Sa lahat ng bagay ako ang maylikha,kaya ako ang may-ari ng lahat ng ito.Ako'y nalulugod sa mga taong nagpapakumbabá at nagsisipagsisi,sa mga may takot at sa utos ko'y sumusunod.
3 Ginagawa ng tao ang kanyang maibigan,at matutuwa pang gumawa ng kasamaan.Para sa kanya ay walang kaibahan ang handog na toro o kaya ay tao;ang handog na tupa o patay na aso;ang handog na pagkaing butil o dugo ng baboy;ang pagsusunog ng insenso o ang pagdarasal sa diyus-diyosan.Natutuwa sila sa nakakahiyang pagsamba.
4 Dahil dito, ipararanas ko sa kanilaang kapahamakang kinatatakutan nila.Sapagkat nang ako'y tumawag walang tumugon kahit na isa;nang ako'y magsalita, walang gustong makinig.Ginusto pa nila ang sumuway sa akinat gumawa ng masama.”
5 Pakinggan ninyo si Yahweh,kayong natatakot at sumusunod sa kanyang salita:“Kinamumuhian at itinataboy kayo ng inyong sariling kababayan, nang dahil sa akin;at sinasabi pa nila, ‘Ipakita ni Yahweh ang kanyang kadakilaan at iligtas niya kayopara makita namin kayong natutuwa.’Ngunit mapapahiya sila sa kanilang sarili.
6 Pakinggan ninyo at sa lunsod ay nagkakagulo,at mayroong ingay na buhat sa Templo!Iyon ay likha ng pagpaparusa ni Yahweh sa kanyang mga kaaway!
7 “Ang aking banal na lunsod ay parang babaing biglang nanganak;kahit hindi pa sumasakit ang kanyang tiyan,isang lalaki ang kanyang inianak.
8 May nabalitaan na ba kayo o nakitang ganyan?Isang bansang biglang isinilang?Ang Zion ay hindi maghihirap nang matagalupang ang isang bansa ay kanyang isilang.”
9 Ang sabi ni Yahweh:“Huwag ninyong isipin na ang bayan ko'yhahayaang umabot sa panahong dapat nang iluwal,at pagkatapos ay pipigilin sa pagsilang.”
10 Makigalak kayo sa Jerusalem, magalak kayo dahil sa kanya;kayong lahat na nagmamahal sa lunsod na ito!Kayo'y makigalak at makipagsaya,lahat kayong tumangis para sa kanya.
11 Tatamasahin ninyo ang kasaganaan niya,tulad ng sanggol sa dibdib ng kanyang ina.
12 Sabi ni Yahweh:“Padadalhan kita ng walang katapusang kasaganaan.Ang kayamanan ng ibang bansa ay aagos patungo sa iyo tulad ng umaapaw na ilog.Ang makakatulad mo'y sanggol na buong pagmamahal na inaaruga ng kanyang ina.
13 Aaliwin kita sa Jerusalem,tulad ng pag-aliw ng ina sa kanyang anak.
14 Ikaw ay magagalak kapag nakita mo ang lahat ng ito;ikaw ay lalakas at lulusog.Sa gayon, malalaman mong akong si Yahweh ang tumutulong sa mga sumusunod sa akin;at siya ring nagpaparusa sa mga kaaway.”
15 Darating si Yahweh na may dalang apoyat nakasakay sa mga pakpak ng bagyoupang parusahan ang mga kinamumuhian niya.
16 Apoy at espada ang gagamitin niyasa pagpaparusa sa mga nagkasala;tiyak na marami ang mamamatay.
17 Ang sabi ni Yahweh, “Malapit na ang wakas ng mga naglilinis ayon sa tuntunin ng pagsambang pagano, sumasama sa nagpuprusisyon patungo sa mga sagradong hardin, at kumakain ng karne ng baboy, daga at iba pang hayop na marumi.
18 “Nalalaman ko ang kanilang iniisip at mga ginagawa. Darating ako upang tipunin ang lahat ng bansa, at ang mga taong iba't iba ang salita. Kapag sila'y nagkasama-sama, makikita nila ang magagawa ng aking kapangyarihan.
19 Malalaman din nilang ako ang nagpaparusa sa kanila. Ngunit magtitira ako ng ilan upang ipadala sa iba't ibang bansa. Susuguin ko sila sa Tarsis, sa Libya at sa Lydia, mga dakong sanay sa paggamit ng pana. Magsusugo rin ako sa Tubal at Javan, at sa mga baybaying hindi pa ako nababalita sa aking kabantugan. Ipahahayag nila sa lahat ng bansa kung gaano ako kadakila.
20 Bilang handog sa akin sa banal na bundok sa Jerusalem, ibabalik nila ang mga kababayan ninyo buhat sa pinagtapunan sa kanila. Sila'y darating na sakay ng mga kabayo, asno, kamelyo, karwahe at kariton, tulad ng pagdadala ng mga handog na pagkaing butil sa Templo, nakalagay sa malilinis na sisidlan ayon sa kautusan.
21 Ang iba sa kanila ay gagawin kong mga pari at ang iba naman ay Levita.
22 “Kung paanong tatagal ang bagong langit at bagong lupasa pamamagitan ng aking kapangyarihan,gayon tatagal ang lahi mo at pangalan.
23 Tuwing Araw ng Pamamahinga at Pista ng Bagong Buwan,lahat ng bansa ay sasamba sa akin,”ang sabi ni Yahweh.
24 “Sa kanilang pag-alis, makikita nila ang mga bangkay ng mga naghimagsik laban sa akin. Ang uod na kakain sa kanila'y hindi mamamatay, gayon din ang apoy na susunog sa kanila. Ang kalagayan nila'y magiging kahiya-hiya sa buong sangkatauhan.”