15 Mas magaling pa ba ang palakol kaysa taong may hawak nito?Mas mahalaga ba ang lagari kaysa taong gumagamit nito?Ang tungkod pa ba ang bubuhat sa may hawak nito?
16 Kaya nga padadalhan ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,ng mapaminsalang sakit ang magigiting niyang mandirigma,at sa ilalim ng kanilang mga kasuotan, mag-aapoy sa init ang kanilang katawan,parang sigang maglalagablab nang walang katapusan.
17 Ang ilaw ng Israel ay magiging apoy,ang Banal na Diyos ay magniningas,at susunugin niya sa loob ng isang arawmaging ang mga tinik at dawag.
18 Wawasakin niya ang kanyang mga gubat at bukirin,kung paanong winasak ng sakit ang katawan at kaluluwa ng tao.
19 Ilan lamang ang matitirang punongkahoy sa gubat,ang mga ito'y mabibilang kahit ng isang batang musmos.
20 Sa araw na iyon ang matitira sa bansang Israel at Juda ay hindi na aasa sa mga nagpahirap sa kanila. Kay Yahweh lamang, sa Banal na Diyos ng Israel, sila mananalig nang buong katapatan.
21 Ang mga natira sa sambahayan ni Jacob ay magbabalik sa Diyos na Makapangyarihan,