2 upang pagkaitan ng katarungan ang mga nangangailangan,upang alisan ng karapatan ang mahihirap,at upang pagsamantalahan ang mga biyuda at ulila.
3 Ano ang gagawin ninyo sa araw ng pagpaparusa,pagdating ng pagkawasak na magmumula sa malayo?Kanino kayo lalapit upang humingi ng tulong,at kanino ninyo iiwanan ang inyong kayamanan,
4 upang hindi kayo mabilanggo, o mamatay sa labanan?Sa kabila ng lahat ng ito, hindi nawawala ang kanyang poot;patuloy niyang paparusahan ang kanyang bayan.
5 Ikaw Asiria ang gagamitin kong pamalo—ang tungkod ng aking pagkapoot.
6 Isusugo ko siya laban sa isang bayang walang diyos,isang bayang kinapopootan ko,upang ito'y wasakin at samsaman ng lahat ng yamanat tapakang parang putik sa lansangan.
7 Ngunit hindi ganito ang binabalak ng hari ng Asiria,wala nga ito sa isipan niya.Ang layunin niya'y wasakin ang maraming bansa.
8 Ang sabi niya:“Hindi ba't pawang hari ang aking mga pinuno?