26 At hahagupitin ko sila tulad ng puksain ko ang mga Midianita sa Bato ng Oreb. Itataas ko ang aking tungkod sa ibabaw ng dagat tulad ng ginawa ko sa mga taga-Egipto.
27 Sa araw na iyon aalisin sa iyong balikat ang pahirap na ginagawa ng Asiria at wawasakin na ang pamatok sa iyong leeg.”Sumalakay siya buhat sa Rimon.
28 At nakarating na sa Aiat,lumampas na siya sa Migronat iniwan sa Micmas ang kanyang dala-dalahan.
29 Nakatawid na sila sa tawiran,at sa Geba magpapalipas ng gabi.Nanginginig ang mga taga-Ramaat tumakas na ang mga taga-Gibea na kababayan ni Saul.
30 Sumigaw kayo ng malakas, mga taga-Galim!Makinig kayo mga taga-Laisa;sumagot kayo, taga-Anatot!
31 Tumatakas na ang Madmena,nag-alisan na ang mga taga-Gebim para sa kanilang kaligtasan.
32 Sa araw na ito darating sa Nob ang kaaway,ibinigay na niya ang hudyatna salakayin ang Bundok ng Zion,ang Burol ng Jerusalem.