12 Magbibigay siya ng isang palatandaan sa mga bansa,at titipunin niya ang mga anak nina Israel at Juda na itinapon sa ibang lupain.Pauuwiin ang mga nangalat na anak ni Judamula sa apat na sulok ng daigdig.
13 Mapapawi na ang pagkainggit ng Israel,at mapuputol na ang pagkamarahas ng Juda.Hindi na maninibugho ang Israel sa Juda,at hindi na kakalabanin ng Juda ang Israel.
14 Lulusubin nila ang mga Filisteo sa kanluranat magkasama nilang sasamsamin ang ari-arian, ang mga bansa sa silangan;sasakupin nila ang Edom at Moab,at susundin sila ng mga Ammonita.
15 Tutuyuin ni Yahweh ang Dagat ng Egipto,at magpapadala siya ng mainit na hanginupang tuyuin ang Ilog Eufrates.Ang matitira lang ay pitong maliliit na batisna tatawiran ng mga tao.
16 At magkakaroon ng isang malapad na daan mula sa Asiriapara sa mga nalabi sa kanyang bayan,kung paanong ang Israel ay may nadaanannang sila'y umalis mula sa Egipto.