7 Kaya tatangisan ng mga taga-Moab ang kanilang lunsod,sama-sama silang mananaghoydahil sa kanilang paghihirap,sa tuwing maaalala nila ang masasarap na pagkain sa Kir-Hareset.
8 Sisirain ang mga bukiring malapit sa Hesbon,at ang mga ubasan sa Sibma,na pinagkukunan ng alak ng mga pinuno ng mga bansa.Ubasang abot sa Jazerhanggang sa disyerto,at lampas pa hanggang sa kabila ng dagat.
9 Kaya tatangisan kong kasama ng Jazerang mga ubasan ng Sibma.Didiligin ko ng luha ang Hesbon at Elealesapagkat wala silang aanihin upang magsaya ang bayan.
10 Maglalaho ang tuwa at kagalakansa kanyang masaganang bukirin.Titigil ang kasayahan at awitan sa kanyang ubasan.Wala nang alak na dadaloy sa kanyang pisaanat tuluyang matatahimik ang masayang hiyawan.
11 Kaya parang malungkot na himig ng alpa ang aking pagdadalamhati sa sinapit ng Moab.Nagdurugo ang puso ko sa sinapit ng Kir-heres.
12 Umahon man ang mga taga-Moabsa kanilang mga altar sa mga sagradong burol,at magpagod man sila ng pagsamba sa kanilang mga santuwaryo,wala ring kabuluhan ang kanilang panalangin.
13 Ito ang sabi ni Yahweh noong una tungkol sa Moab.