3 Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito:“Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh,sa Templo ng Diyos ni Jacob,upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan;at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan,at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.”
4 Siya ang mamamagitan sa mga bansaat magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao;kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak,at karit naman ang kanilang mga sibat.Mga bansa'y di na mag-aawayat sa pakikidigma'y di na magsasanay.
5 Halina kayo, sambahayan ni Jacob,lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
6 Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan,sapagkat ang lupain ay punô ng mga salamangkero mula sa silanganat ng mga manghuhula gaya ng mga Filisteo;nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan.
7 Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak,at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan.Sa buong lupai'y maraming kabayo,at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe.
8 Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan;mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran,mga bagay na inanyuan at nililok lamang.
9 Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya;huwag mo silang patatawarin!