8 Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan;mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran,mga bagay na inanyuan at nililok lamang.
9 Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya;huwag mo silang patatawarin!
10 Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga hukayupang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan.
11 Pagdating ng araw ni Yahweh,ang mga palalo ay kanyang wawakasan,itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan;pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan.
12 Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw,laban sa lahat ng palalo at mayabang,laban sa lahat ng mapagmataas;
13 laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon,at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan;
14 laban sa lahat ng matataas na bundokat mga burol;