12 Sumagot ang bantay:“Mag-uumaga na ngunit muling sasapit ang gabi;bumalik na lang kayokung nais ninyong magtanong muli.”
13 Ito ang pahayag tungkol sa Arabia:Kayong manlalakbay na mga taga-Dedan,na nakahimpil sa mga disyerto ng Arabia,
14 bigyan ninyo ng inumin ang mga nauuhaw.Kayo naman, mga taga-Tema,salubungin ninyo at pakanin ang mga bihag.
15 Sila'y tumatakas sa mga espadang nakaamba,sa panang nakahanda,at sa panganib na dulot ng digmaan.
16 Ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Sa loob ng isang taon, ayon sa pagbilang ng upahang manggagawa, magwawakas ang kadakilaan ng Kedar.
17 Ilan lamang sa magigiting niyang kawal na mamamana ang matitira. Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel.”