4 Kaya sinabi ko,“Pabayaan ninyo ako!Hayaan ninyong umiyak ako nang buong pait;huwag na kayong magpumilit na ako'y aliwin,dahil sa pagkawasak ng aking bayan.”
5 Sapagkat ito'y arawng kaguluhan, pagyurak at pagkalitona itinalaga ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,sa Libis ng Pangitain.Araw ng pagpapabagsak ng mga pader;araw ng panaghoy na maririnig sa kabundukan.
6 Dala ng mga taga-Elam ang kanilang mga pana,sakay ng kanilang mga karwahe at kabayo,at dala naman ng mga taga-Kir ang kanilang kalasag.
7 Ang magaganda ninyong libis ay puno ng mga karwahe,at sa mga pintuan ng Jerusalem ay nakaabang ang mga kabayuhan.
8 Durog na ang lahat ng tanggulan ng Juda.Kapag nangyari ito ilabas ninyo ang mga sandata mula sa arsenal.
9 Sa araw na iyon nakita ninyo na maraming sira ang tanggulan ng Lunsod ni David at nag-imbak kayo ng tubig mula sa ibabang tipunan.
10 Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ninyo ang ilan sa mga iyon upang gamitin ang mga bato sa pagpapatibay sa pader ng lunsod.