9 Sa araw na iyon nakita ninyo na maraming sira ang tanggulan ng Lunsod ni David at nag-imbak kayo ng tubig mula sa ibabang tipunan.
10 Binilang ninyo ang mga bahay sa Jerusalem at giniba ninyo ang ilan sa mga iyon upang gamitin ang mga bato sa pagpapatibay sa pader ng lunsod.
11 Gumawa kayo ng imbakan ng tubig sa pagitan ng dalawang pader, at pinuno ninyo iyon ng tubig mula sa Lumang Tipunan. Ngunit hindi ninyo naisip ang Diyos na siyang nagplano nito noon pang una at nagsagawa nito.
12 Nanawagan sa inyo si Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,upang kayo'y manangis at managhoy,upang ahitin ninyo ang inyong buhok at magsuot ng damit-panluksa.
13 Ngunit sa halip, nagdiwang kayo at nagpakasaya,nagpatay kayo ng tupa at bakaupang kainin, at nag-inuman kayo ng alak.Ang sabi ninyo:“Kumain tayo at uminom,sapagkat bukas, tayo'y mamamatay.”
14 Ganito ang ipinahayag sa akin ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat:“Ang kasalanang ito'y hindi ipapatawad sa inyo, hanggang sa kayo'y mamatay.”
15 Ganito ang sabi sa akin ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon:“Puntahan mo si Sebna,ang katiwala ng palasyoat sabihin mo sa kanya: