1 Ito ang pahayag tungkol sa Tiro:Manangis kayo, mga mangangalakal sa Tarsis,sapagkat ang Tiro na inyong daungan ay wasak na;wala na kayong mga tahanang matitirhan!Ito'y inihayag na sa inyo mula sa lupain ng Cyprus.
2 Tumahimik kayo, mga nakatira sa dalampasigan;kayong mga mangangalakal ng Sidon,nagpadala kayo ng inyong mga mensahero sa ibayong dagat,
3 upang bilhin at ipagbili ang mga trigo ng Sihor,ang trigong inani sa kapatagan ng Nilo,at upang makipagkalakal sa lahat ng bansa.
4 Lunsod ng Sidon, mahiya ka naman!Isinusuka ka na ng karagatan, sapagkat ganito ang kanyang pahayag:“Kailanma'y hindi ako nagkaanak;wala akong pinalaking mga anak na lalaki at babae.”
5 Kapag umabot sa mga Egipcio ang pagkawasak ng Tiro,sila'y tiyak na magigimbal at mapapahiya.