11 Sa mga lansangan ay sumisigaw sila dahil kulang ng alak,nawala na ang kagalakan at nauwi sa kalungkutan;lahat ng kasayahan ay napawi sa lupa.
12 Naguho na ang buong lunsod,ang pinto nito'y nagkadurug-durog.
13 Ganyan din ang mangyayari sa lahat ng bansa sa buong daigdig;parang puno ng olibo matapos lagasin ang bunga,tulad ng ubasan matapos ang anihan.
14 Silang nakaligtas ay aawit dahil sa kagalakan,mula sa kanluran ay kanilang dadakilain si Yahweh.
15 Pupurihin siya doon sa silangan,at ipagbubunyi ang pangalan ni Yahweh,ang Diyos ng Israel, sa baybayin ng dagat.
16 May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig,bilang papuri sa Diyos na Matuwid.Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako.Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa.Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil.Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
17 Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyoang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag.