16 May awit ng pagpupuring maririnig, maging sa pinakamalalayong dulo ng daigdig,bilang papuri sa Diyos na Matuwid.Ngunit ang sabi ko naman, “Nalulungkot ako.Nasasayang lamang ang panahon. Wala na akong pag-asa.Patuloy ang panlilinlang ng mga taksil.Palala nang palala ang kanilang pagtataksil.”
17 Mga tao sa daigdig, naghihintay sa inyoang matinding takot, malalim na hukay, at nakaumang na bitag.
18 Sinumang tumakas dahil sa takot,sa balong malalim, doon mahuhulog.Pag-ahon sa balon na kinahulugan,bitag ang siyang kasasadlakan.Sapagkat mabubuksan ang durungawan ng langit,at mauuga ang pundasyon ng daigdig.
19 Ang daigdig ay tuluyang mawawasak,sa lakas ng uga ito'y mabibiyak.
20 Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-surayat kubong maliit na hahapay-hapay,sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay,tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.
21 Darating ang araw na paparusahan ni Yahwehang hukbo ng kasamaan sa himpapawid,gayundin ang mga hari dito sa daigdig.
22 Tulad ng mga bilanggo,ihuhulog silang sama-sama sa isang malalim na balon;ikukulong sila sa piitang bakal,at paparusahan pagkaraan ng maraming araw.