3 Kaya dadakilain ka ng taong malalakas,at matatakot sa iyo ang malulupit na lunsod.
4 Ikaw ang tunay na kanlungan ng mahihirap,at mga nangangailangan,matatag na silungan sa panahon ng unosat nakakapasong init.Sa harap mo'y mabibigo ang mararahas,sila'y parang bagyong humahampas sa matibay na pader.
5 Ang ingay ng dayuhan ay parang init sa disyerto,ngunit napatahimik mo ang ingay ng mga kaaway;hindi na marinig ang awit ng malulupit,parang init na natakpan ng ulap.
6 Sa Bundok ng Zion, aanyayahan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang lahat ng bansa para sa isang malaking handaan.Pinakamasasarap na pagkain at alak ang kanyang ipinahanda.
7 Sa bundok ding ito'y papawiin niyaang ulap ng kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa.
8 Lubusan nang pupuksain ng Panginoong Yahweh ang kamatayan,at papahirin ang mga luha sa kanilang mga mata.Aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
9 Sasabihin ng lahat sa araw na iyon:“Siya ang hinihintay nating Diyos na sa ati'y magliligtas,siya si Yahweh na ating inaasahan.Magalak tayo at magdiwang, sapagkat tayo'y kanyang iniligtas.”