1 Kawawa ang Israel, sapagkat naglalaho na ang kanyang karangalan;parang kumukupas na kagandahan ng bulaklak sa ulo ng mga lasenggong pinuno.May pabango nga sila sa ulo ngunit animo'y patay na nakahiga dahil sa kalasingan.
2 Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan;sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo,taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha,upang palubugin ang buong lupa.
3 Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalanng mga lasenggong pinuno ng Israel.
4 Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahantulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos,na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.
5 Sa araw na iyon, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang magiging maningning na korona ng mga nalabing hinirang.