10 Sinong makikinig sa kanyang pamamaraan:Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin!”
11 Kaya naman magsasalita si Yahweh sa bayang itosa pamamagitan ng mga dayuhan, siya'y magtuturo.
12 Ganito ang kanyang sasabihin:“Narito ang tunay na kapahingahan para sa mga napapagal,”ngunit hindi nila ito pinakinggan.
13 Kaya ganito ang pagtuturo ni Yahweh sa kanila:“Isa-isang letra, isa-isang linya,at isa-isang aralin;”at sa kanilang paglakad, sila'y mabubuwal,mahuhulog sa bitag, masasaktan at mabibihag.
14 Kaya't ngayon ay dinggin ninyo si Yahweh, kayong mga walang galang na pinuno,na namamahala sa Lunsod ng Jerusalem.
15 Sapagkat sinabi ninyo, “Nakipagkasundo na kami sa kamatayan,gayundin sa daigdig ng mga patay.Kaya hindi na kami mapapahamakdumating man ang malagim na sakuna;ginawa na naming kuta ang kasinungalingan,at pandaraya ang aming kanlungan.”
16 Ito ngayon ang sinasabi ng Panginoong Yahweh:“Naglalagay ako sa Zion ng batong-panulukan,subok, mahalaga, at matatag na pundasyon;‘Ang magtiwala rito'y hindi mapapahiya.’