2 Narito, may inihanda na ang Panginoon, isang taong malakas at makapangyarihan;sinlakas ito ng isang mapaminsalang bagyo,taglay ang malakas na hangin, ulan at rumaragasang baha,upang palubugin ang buong lupa.
3 Yuyurakan ang ipinagmamalaking karangalanng mga lasenggong pinuno ng Israel.
4 Mabilis ang pagkawala ng kanyang nagniningning na kagandahantulad ng pagkaubos ng mga unang bunga ng igos,na agad kinukuha at kinakain kapag nahinog.
5 Sa araw na iyon, si Yahweh na Makapangyarihan sa lahatang magiging maningning na korona ng mga nalabing hinirang.
6 Siya ang papatnubay sa mga hukom upang maging makatarungan sa paghatol;at magbibigay ng tapang at lakassa mga tagapagtanggol ng bayan laban sa mga kaaway.
7 Sumusuray na sa kalasinganang mga pari at mga propeta kaya sila'y nalilito.Hindi na maunawaan ng mga propeta ang nakikita nilang pangitain;at hindi na matuwid ang paghatol ng mga pari.
8 Ang lahat ng mesa'y punô ng kanilang suka,nakakapandiri ang buong paligid.