12 Kung ipababasa mo naman sa hindi marunong bumasa, ito ang isasagot sa iyo, “Hindi ako marunong bumasa.”
13 Sasabihin naman ni Yahweh,“Sa salita lamang malapit sa akin ang mga taong ito,at sa bibig lamang nila ako iginagalang,subalit inilayo nila sa akin ang kanilang puso,at ayon lamang sa utos ng tao ang kanilang paglilingkod.
14 Kaya muli akong gagawang kababalaghan sa harapan nila,mga bagay na kahanga-hanga at kataka-taka;mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino,at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino.”
15 Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala.Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilimupang walang makakakilala o makakakita sa amin!”
16 Binabaligtad ninyo ang katotohanan!Masasabi ba ng palayok sa gumagawa nito,“Hindi naman ikaw ang humugis sa akin;”at masasabi ba ng nilikha sa lumikha sa kanya,“Hindi mo alam ang iyong ginagawa”?
17 Tulad ng kasabihan:“Hindi magtatagalat magiging bukirin ang kagubatan ng Lebanon,at ang bukirin naman ay magiging kagubatan.”
18 Sa araw na iyon maririnig ng bingiang pagbasa sa isang kasulatan;at mula sa kadiliman,makakakita ang mga bulag.