17 Tulad ng kasabihan:“Hindi magtatagalat magiging bukirin ang kagubatan ng Lebanon,at ang bukirin naman ay magiging kagubatan.”
18 Sa araw na iyon maririnig ng bingiang pagbasa sa isang kasulatan;at mula sa kadiliman,makakakita ang mga bulag.
19 Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh,at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.
20 Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.
21 Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,mga sinungaling na saksiat mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.
22 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,tungkol sa sambahayan ni Jacob:“Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,ang bayang ito mula ngayon.
23 Kapag nakita nila ang kanilang mga anakna ginawa kong dakilang bansa,makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob;igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.