19 Ang nalulungkot ay muling liligaya sa piling ni Yahweh,at pupurihin ng mga dukha ang Banal na Diyos ng Israel.
20 Sapagkat mawawala na ang malupit at mapang-api,gayon din ang lahat ng mahilig sa kasamaan.
21 Lilipulin ni Yahweh ang lahat ng naninirang-puri,mga sinungaling na saksiat mga nagkakait ng katarungan sa matuwid.
22 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, ang tumubos kay Abraham,tungkol sa sambahayan ni Jacob:“Wala nang dapat ikahiya o ikatakot man,ang bayang ito mula ngayon.
23 Kapag nakita nila ang kanilang mga anakna ginawa kong dakilang bansa,makikilala nila na ako ang Banal na Diyos ni Jacob;igagalang nila ang itinatanging Diyos ni Israel.
24 Magtatamo ng kaunawaan ang mga napapalayo sa katotohanan,at tatanggap ng pangaral ang mga matitigas ang ulo.”