2 at pagkatapos ay wawasakin ko ang lunsod na tinatawag na “altar ng Diyos!”Maririnig dito ang panaghoy at pagtangis,ang buong lunsod ay magiging parang altar na tigmak ng dugo.
3 Kukubkubin kita,at magtatayo ako ng mga kuta sa paligid mo.
4 Dahil dito, ikaw ay daraing mula sa lupa,maririnig mo ang iyong tinig na nakakapangilabot,nakakatakot na parang tinig ng isang multo,at parang bulong mula sa alabok.
5 Ngunit ang lulusob sa iyo ay liliparin na parang abo,parang ipang tatangayin ng hangin ang nakakatakot nilang hukbo.
6 Si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay biglang magpapadalang dumadagundong na kulog, lindol,buhawi, at naglalagablab na apoy upang iligtas ka.
7 Ang lahat ng bansang kumalaban sa Jerusalem,ang kanilang mga sandata at kagamitan,ay maglalahong parang isang panaginip, parang isang pangitain sa gabi.
8 Parang isang taong gutom na nanaginip na kumakain,at nagising na gutom pa rin;o taong uhaw na nanaginip na umiinom,ngunit uhaw na uhaw pa rin nang siya'y magising.Gayon ang sasapitin,ng lahat ng bansang lumalaban sa Jerusalem.