1 Aalisin na ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon,sa Jerusalem at sa Judaang lahat nilang ikinabubuhay at pangangailangan:ang tinapay at ang tubig;
2 ang magigiting na bayani at ang mga kawal;ang mga hukom at mga propeta,ang mga manghuhula at ang matatandang pinuno;
3 ang mga opisyal ng sandatahang lakasang mga pinuno ng pamahalaan;ang kanilang mga tagapayo, at ang mahuhusay na salamangkero,gayundin ang mga bihasa sa mga agimat.
4 Ang mamumuno sa kanila'y mga musmos na bata,mga sanggol ang sa kanila'y mamamahala.
5 Aapihin ng bawat tao ang kanyang kapwa,hindi igagalang ng kabataan ang matatanda,maging ang hamak ay lalaban sa nakatataas sa kanya.
6 Darating ang araw na pupuntahan ng isang taoang kanyang kapatid sa mismong bahay ng kanilang ama upang sabihin:“Mayroon kang balabal kaya ikaw na ang mamuno sa amin,ikaw na ang mamahala sa gumuho nating kabuhayan.”
7 Ngunit tututol ito at sasabihin:“Hindi ko kayo matutulungan;wala kahit tinapay o balabal sa aking bahay.Huwag ninyo akong pamahalain sa ating bayan.”