13 Nakahanda na si Yahweh upang ibigay ang kanyang panig,nakatayo na siya upang hatulan ang kanyang bayan.
14 Ipapataw na ni Yahweh ang kanyang hatol sa matatandaat mga pinuno ng kanyang bayan:“Ubasan ng mahihirap inyong sinamsam,inyong mga tahanan puro nakaw ang laman.
15 Bakit ninyo inaapi ang aking bayanat sinisikil ang mahihirap?” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.
16 At sinabi ni Yahweh,“Palalo ang mga anak na babae ng Jerusalem,taas-noo kung lumakad,pasulyap-sulyap kung tumingin,pakendeng-kendeng kung humakbang,at pinakakalansing pa ang mga alahas sa paa.
17 Dahil diyan, pagsusugatin ni Yahwehang kanilang ulo hanggang sa sila'y makalbo.”
18 Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga alahas niya sa paa, ulo at leeg;
19 ang mga kuwintas, pulseras at bandana;