18 Sa araw na iyon, aalisin ni Yahweh ang mga alahas niya sa paa, ulo at leeg;
19 ang mga kuwintas, pulseras at bandana;
20 ang mga alahas sa buhok, braso, baywang, mga sisidlan ng pabango at mga agimat;
21 ang mga singsing sa daliri at sa ilong;
22 ang mamahaling damit, balabal, kapa at pitaka;
23 ang maninipis nilang damit, mga kasuotang lino, turbante, at belo.
24 Ang dating mabango ay aalingasaw sa baho,lubid ang ibibigkis sa halip na mamahaling sinturon;ang maayos na buhok ay makakalbo,ang magagarang damit ay papalitan ng sako;ang kagandahan ay magiging kahihiyan.