5 Aapihin ng bawat tao ang kanyang kapwa,hindi igagalang ng kabataan ang matatanda,maging ang hamak ay lalaban sa nakatataas sa kanya.
6 Darating ang araw na pupuntahan ng isang taoang kanyang kapatid sa mismong bahay ng kanilang ama upang sabihin:“Mayroon kang balabal kaya ikaw na ang mamuno sa amin,ikaw na ang mamahala sa gumuho nating kabuhayan.”
7 Ngunit tututol ito at sasabihin:“Hindi ko kayo matutulungan;wala kahit tinapay o balabal sa aking bahay.Huwag ninyo akong pamahalain sa ating bayan.”
8 Gumuho na ang Jerusalem at bumagsak na ang Juda,sapagkat sumuway sila kay Yahweh, sa salita at sa gawa,nilapastangan nila ang kanyang maningning na kalagayan.
9 Ang pagkiling nila sa iba ay katibayan laban sa kanila.Gaya ng Sodoma, hayagan sila kung magkasala.Hindi nila ito itinatago!Kawawang mga tao!Sila na rin ang nagpahamak sa kanilang sarili.
10 Sabihin ninyo sa mga taong matuwid: “Mapalad kayosapagkat mapapakinabangan ninyo ang bunga ng inyong pinagpaguran!”
11 At sa masasamang tao: “Kawawa naman kayo! Ang sasapitin ninyo'y kapahamakan,kung ano ang inyong inutang ay siya ring kabayaran, kung ano ang inyong ginawa, gayundin ang gagawin sa inyo.”