4 Magiging matiyaga na sila at maunawain sa bawat kilos,magiging matapat sila sa kanilang sasabihin.
5 Ang mga hangal ay hindi na tatawaging dakila;o kaya'y sasabihing tapat ang mga sinungaling.
6 Ang sinasabi ng mangmang ay puro kamangmangan,at puro kasamaan ang kanyang iniisip;paglapastangan kay Yahweh ang ginagawa niya't sinasabi.Minsan ma'y hindi siya nagpakain ng nagugutomo nagpainom ng nauuhaw.
7 Masama ang gawain ng taong hangal.Ipinapahamak nila ang mahihirap sa pamamagitan ng kasinungalingan,at gumagawa ng paraan upang hindi pakinabangan ang kanilang karapatan.
8 Ngunit ang taong marangal ay gumagawa ng tapat,at naninindigan sa kung ano ang tama.
9 Kayong mga babaing pabaya,pakinggan ninyo ang aking sasabihin.
10 Pagkalipas ng isang taonmabibigo na kayo,sapagkat wala na kayong mapipitas na bunga ng ubas.