1 Mapapahamak ang aming mga kaaway!Sila'y nagnakaw at nagtaksil,kahit na walang gumawa sa kanila ng ganito.Ngunit magwawakas ang ginagawa nilang ito,at sila'y magiging biktima rin ng pagnanakaw at pagtataksil.
2 Kahabagan mo kami, O Yahweh, kami'y naghihintay sa iyo;ingatan mo kami araw-arawat iligtas sa panahon ng kaguluhan.
3 Kapag ikaw ay nasa panig namin, tumatakas ang mga kaawaydahil sa ingay ng labanan.
4 Ang ari-arian nila'y nalilimas,parang pananim na dinaanan ng balang.