4 Ang ari-arian nila'y nalilimas,parang pananim na dinaanan ng balang.
5 Dakila si Yahweh! Ang trono niya'y ang kalangitan,maghahari siya sa Zion na may katarungan at katuwiran.
6 Siya ang magpapatatag sa bansa,inililigtas niya ang kanyang bayan, at binibigyan ng karunungan at kaalaman;ang pangunahing yaman nila, si Yahweh'y sundin at igalang.
7 Ang matatapang ay napapasaklolo,ang mga tagapamayapa ay naghihinagpis.
8 Sapagkat wala nang tao sa mga lansangan,mapanganib na ang doo'y dumaan.Mga kasunduan ay di na pinahahalagahan,at wala na ring taong iginagalang.
9 Ang tuyong lupa'y parang nagluluksa,ang kagubatan ng Lebanon ay nalalanta;naging parang disyerto na ang magandang lupain ng Sharon;gayundin ang Bundok ng Carmel at ang Bashan.
10 “Kikilos ako ngayon,” ang sabi ni Yahweh sa mga bansa,“At ipapakita ko ang aking kapangyarihan.”