1 Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan!Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin,kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa.
2 Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa,matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo;sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin.
3 Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat;ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho,at ang mga bundok ay babaha sa dugo.
4 Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurogat ang kalangita'y irorolyongparang balumbon.Ang mga bituin ay malalaglagna parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.
5 Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitanupang gamitin laban sa Edom,sa bayang hinatulan niyang parusahan.