3 Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat;ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho,at ang mga bundok ay babaha sa dugo.
4 Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurogat ang kalangita'y irorolyongparang balumbon.Ang mga bituin ay malalaglagna parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas.
5 Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitanupang gamitin laban sa Edom,sa bayang hinatulan niyang parusahan.
6 Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba;iyon ay dugo ng mga tupa at kambing,at taba ng lalaking tupa.Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra,marami siyang pupuksain sa Edom.
7 Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw,matitigmak ng dugoat mapupuno ng taba ang buong lupain.
8 Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti,isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion.
9 Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran,at magiging asupre ang kanyang lupa,ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto.