1 Muling sasaya ang ulilang lupain na matagal nang tigang;mamumulaklak ang mga halaman sa disyerto.
2 Ang disyerto ay aawit sa tuwa,ito'y muling gaganda tulad ng mga Bundok ng Lebanonat mamumunga nang sagana tulad ng Carmel at Sharon.Mamamasdan ng lahat ang kaluwalhatianat kapangyarihan ni Yahweh.
3 Inyong palakasin ang mahinang kamay,at patatagin ang mga tuhod na lupaypay.
4 Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:“Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob!Darating na ang Diyos,at ililigtas ka sa mga kaaway.”
5 Ang mga bulag ay makakakita,at makakarinig ang mga bingi.
6 Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,aawit sa galak ang mga pipi.Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig,at dadaloy sa disyerto ang mga batis.
7 Ang nakakapasong buhanginan ay magiging isang lawa,sa tigang na lupa ay bubukal ang tubig.Ang dating tirahan ng mga asong-gubat,ay tutubuan ng tambo at talahib.