3 Inyong palakasin ang mahinang kamay,at patatagin ang mga tuhod na lupaypay.
4 Ito ang sabihin sa pinanghihinaan ng loob:“Huwag kang matakot, lakasan mo ang iyong loob!Darating na ang Diyos,at ililigtas ka sa mga kaaway.”
5 Ang mga bulag ay makakakita,at makakarinig ang mga bingi.
6 Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,aawit sa galak ang mga pipi.Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig,at dadaloy sa disyerto ang mga batis.
7 Ang nakakapasong buhanginan ay magiging isang lawa,sa tigang na lupa ay bubukal ang tubig.Ang dating tirahan ng mga asong-gubat,ay tutubuan ng tambo at talahib.
8 Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan,na tatawaging Landas ng Kabanalan.Sa landas na ito ay hindi makakaraan,ang mga makasalanan at mga hangal.
9 Walang leon o mabangis na hayopna makakapasok doon;ito'y para lamang sa mga tinubos.