5 Ang mga bulag ay makakakita,at makakarinig ang mga bingi.
6 Ang mga pilay ay lulundag na parang usa,aawit sa galak ang mga pipi.Mula sa kaparangan ay aagos ang tubig,at dadaloy sa disyerto ang mga batis.
7 Ang nakakapasong buhanginan ay magiging isang lawa,sa tigang na lupa ay bubukal ang tubig.Ang dating tirahan ng mga asong-gubat,ay tutubuan ng tambo at talahib.
8 Magkakaroon ng isang maluwang na lansangan,na tatawaging Landas ng Kabanalan.Sa landas na ito ay hindi makakaraan,ang mga makasalanan at mga hangal.
9 Walang leon o mabangis na hayopna makakapasok doon;ito'y para lamang sa mga tinubos.
10 Babalik sa Jerusalem ang mga tinubos ni Yahwehna masiglang umaawit ng pagpupuri.Paghaharian sila ng kaligayahan.Ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak magpakailanman.