24 Nilait mo ang Panginoon sa pamamagitan ng iyong mga lingkod,ang sabi mo: Sa dami ng aking karwahe,naakyat ko ang ituktok ng mga bundok,naabot ko rin ang kasuluk-sulukan ng Lebanon.Pinutol ko ang nagtataasang puno ng sedar,at ang mga piling puno ng sipres;naabot kong lahatang pinakamataas na lugar at pusod ng gubat.
25 Humukay ako ng maraming balon,at uminom ako ng tubig ng mga iyon.Ang mga ilog at batis sa Egipto,matapakan ko lamang ay agad natutuyo.
26 “Dapat mong malaman na noon pang unaang bagay na ito ay matagal ko nang binalak,at ngayo'y pawang natutupad.Itinakda kong ikaw ang magwawasakng matitibay na lunsod.
27 Mga mamamaya'y nawalan ng lakas,nanginig sa takot at napahiya.Sila'y tulad ng halaman sa gitna ng parang,mga murang daho'y nalanta sa araw;katulad ay damo sa bubong ng bahay,hindi pa pinuputol ay tuyo na sa tangkay.
28 “Lahat ng iyong gawin ay nalalaman ko,hindi lingid sa akin anumang balak mo.
29 Dahil sa galit mo't paglaban sa akinat paghahambog mong hindi nalilihim,kaya ang ilong mo'y kakawitin koat ang bibig mo'y lalagyan ng kandado,at ibabalik kita sa pinanggalingan mo.
30 “Ito ang magiging palatandaan ninyo: Sa taóng ito, ang kakainin ninyo'y bunga ng halamang dati nang nakatanim. Sa susunod na taon, ang kakainin ninyo'y ang ani sa tutubong supling ng halamang iyon. Ngunit sa ikatlong taon, magtatanim na kayo ng panibago, at ang kakainin ninyo'y ang ibubunga nito.