26 “Dapat mong malaman na noon pang unaang bagay na ito ay matagal ko nang binalak,at ngayo'y pawang natutupad.Itinakda kong ikaw ang magwawasakng matitibay na lunsod.
27 Mga mamamaya'y nawalan ng lakas,nanginig sa takot at napahiya.Sila'y tulad ng halaman sa gitna ng parang,mga murang daho'y nalanta sa araw;katulad ay damo sa bubong ng bahay,hindi pa pinuputol ay tuyo na sa tangkay.
28 “Lahat ng iyong gawin ay nalalaman ko,hindi lingid sa akin anumang balak mo.
29 Dahil sa galit mo't paglaban sa akinat paghahambog mong hindi nalilihim,kaya ang ilong mo'y kakawitin koat ang bibig mo'y lalagyan ng kandado,at ibabalik kita sa pinanggalingan mo.
30 “Ito ang magiging palatandaan ninyo: Sa taóng ito, ang kakainin ninyo'y bunga ng halamang dati nang nakatanim. Sa susunod na taon, ang kakainin ninyo'y ang ani sa tutubong supling ng halamang iyon. Ngunit sa ikatlong taon, magtatanim na kayo ng panibago, at ang kakainin ninyo'y ang ibubunga nito.
31 Ang mga nalabi sa Juda ay parang halamang muling mag-uugat at mamumunga,
32 sapagkat may malalabi mula sa Jerusalem, at may maliligtas mula sa Bundok ng Zion. Mangyayari ito dahil kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.